Trust fund para sa pamilya ng mga mamamatay na pulis ipinangako ni Duterte

By Chona Yu, Len Montaño March 24, 2017 - 07:08 PM

Graduating class ng Masidlak 2017Kasabay ng utos na ipaglaban ang bansa at ang katotohanan, tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga magiging bagong pulis na poprotektahan sila sa gitna ng war on drugs.

Sa kanyang talumpati sa Philippine National Police Academy graduation sa Silang, Cavite, sinabi ng pangulo sa mga nagsipagtapos na kadete na hindi pababayaan ang kanilang mga pamilya sakaling mamatay sila sa gitna ng kanilang trabaho.

Isusulong ni Duterte ang batas kung saan magkakaroon ng trust fund ang mga kaanak ng mga nasawing pulis.

“Alam mo lahat ng, God forbid. I do not wish it upon anybody. Pero ‘yung mga anak ninyo, during my term and maybe thereafter, I’m looking for billions of pesos as a trust fund for your families,” ayon kay Duterte.

Alam daw ng pangulo ang pag-aalala ng mga pulis sa kanilang mga mauulila kung sila ay masawi sa pagtupad sa kanilang trabaho.

Binanggit ng pangulo na nagbibigay na ang kanyang tanggapan ng tulong pinansyal sa mga anak ng mga pulis na namatay habang naka-duty.

Tiniyak din ni Duterte na bibigyan ng trabaho ang mga biyuda ng mga pulis sa tulong ng DILG.

Dagdag pa ng pangulo, “So, pero ang nasa isip kasi natin, ang anak, pamilya. mahirap ‘yan. that is why I will assure you now, I’ll make you the guarantee that I will leave a legislation that will put in trust so many billions, marami namang, dahan-dahan lang.”

TAGS: PNPA, Rodrigo Duterte, trust fund, PNPA, Rodrigo Duterte, trust fund

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.