Restraining order na hiling ng Mighty Corp laban sa BOC ibinasura ng korte

By Erwin Aguilon March 24, 2017 - 05:10 PM

mighty cigarettesIbinasura ng Manila Regional Trial Court ang ang petisyon ng cigarrete manufacturer na Mighty Corporation na humihiling na makakuha ng kautusan upang pigilan ang pagsasagawa ng raid ng Bureau of Customs sa kanilang mga warehouse.

Base sa 13-pahinang resolusyon na may petsang March 23, 2017 na inisyu ni Judge Noli Diaz ng Manila Regional Trial Court Branch 39 hindi nito pinagbigyan ang hirit na writ of preliminary injunction ng Mighty Corporation.

Kasabay nito, ibinasura rin ng korte ang civil case na inihain ng Mighty Corporation laban sa BOC dahil sa kawalan ng hurisdiksyon.

Sinabi ng korte na wala silang kapangyarihan upang pagbigyan ang inihihirit na injunctive relief ng Mighty Corporation dahil ang nais nitong pigilan ay ang mga raid sa San Simon, Pampanga.

Nais kasi ng Mighty Corporation na pigilan ang BOC sa pag-iinspeksyon, paghalughog at pagsamsam sa kanilang mga produkto na nasa kanilang warehouse sa Pampanga na labas na kanilang hurisdiksyon.

Ang Mighty Corporation ay isang lokal na kumpanya ng sigarilyo na inaakusahang gumagamit ng pekeng tax stamp sa mga pakete ng sigarilyo.

TAGS: Bureau of Customs, Manila Regional Trial Court, mighty corporation, Bureau of Customs, Manila Regional Trial Court, mighty corporation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.