Kotong cops sa Maynila, inireklamo na sa piskalya

By Erwin Aguilon March 24, 2017 - 03:14 PM

MPD KOTONG COPS
Kuha ni Erwin Aguilon

Ipinagharap ng reklamong paglabag sa Anti-graft and corrupt practices act sa Manila City Prosecutors Office ang pitong pulis maynila na isinasangkot sa pangingikil sa mga vendors.

Ayon kay Manila Police Director, Chief Supt. Joel Coronel, kabilang sa mga inireklamo sina SPO2 Marvin Velasquez, SPO2 Rommel Alfaro, PO3 Leo de Jose, PO3 John John David, PO2 Romeo Rosino, PO1 Ronnie Boy Alonzo at PO1 James Paul Cruz.

Sinabi ni Coronel na bukod sa kasong kriminal nahaharap din ang mga nasabing pulis na pawang nakatagala sa Station 5 ng MPD sa kasong administratibo.

Iniimbestigahan na anya ng PNP Internal Affairs Service ang administrative aspect ng reklamo sa mga ito habang isinasailalim na sa retraining sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Ang kaso sa mga ito ay kaugnay ng reklamo ng mga vendors sa Ermita, Maynila na kinokotongan sila ng mga nasabing pulis.

Sinabi ni Coronel na kapag napatunayang nagkasala maaring masibak sa serbisyo ang pito at walang matatanggap na benipisyo.

TAGS: Camp Bagong Diwa sa Taguig., coronel, kotong cops, MPD, PO1 James Paul Cruz, PO1 Ronnie Boy Alonzo, PO2 Romeo Rosino, PO3 John John David, PO3 Leo de Jose, SPO2 Marvin Velasquez, SPO2 Rommel Alfaro, vendors, Camp Bagong Diwa sa Taguig., coronel, kotong cops, MPD, PO1 James Paul Cruz, PO1 Ronnie Boy Alonzo, PO2 Romeo Rosino, PO3 John John David, PO3 Leo de Jose, SPO2 Marvin Velasquez, SPO2 Rommel Alfaro, vendors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.