Ombudsman Conchita Morales, ipinapa-disbar sa SC
Ipinagharap ngayon ng disbarment complaint sa Supreme Court ni dating Manila Councilor Greco Belgica si Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Hiniling ni Belgica na matanggalan ng lisensya bilang abogado si Morales matapos umanong labagin ng dating Supreme Court Justice ang Lawyer’s Oath at ang Canon of Professional Responsibility matapos nitong linisin si dating Pangulong Benigno Aquino III sa mga reklamo ukol sa Disbursment Acceleration Program o DAP.
Nakasaad sa petisyon na dahil sa ginawang pag abswelto ni Morales kay Aquino matapos kakitaan ng probable cause ang reklamo sa kapwa nito reapondent na si dating Budget Secretary Bucth Abad naalisan ng karapatan ang sambayanang Filipino sa right to procedural due process.
Inakusahan din nito si Morales ng paglabag sa Rule 6.01 ng Canon of Professional Responsibility ng mabigo itong gampanan ng maayos ang kanyang tungkulin na matiyak na maibibigay ang katarungan.
Nilabag din daw ni Morales ang Canon 7 partikular ang Rule 7.03 dahil sa hindi nito pinanaig ang integridad at dignidad ng legal profession.
Nauna ng idineklara ng Supreme Court na iligal ang DAP.
Si Morales ay itinalaga ni dating pangulong Aquino sa puwesto matapos itong magretiro bilang mahistrado ng Korte Suprema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.