Robredo, inakusahan ang pamilya Marcos na ‘mastermind’ sa planong pagpapatalsik sa kanya sa puwesto

Robredo-Marcos1Tahasang idinawit ni Vice President Leni Robredo ang pamilya Marcos at mga taga-suporta nito na posibleng mastermind ng impeachment case laban sa kanya.

Ayon kay Robredo, mahirap kalaban ang mga Marcos na tila dinadamay ang buong bansa dahil hindi matanggap ang pagkatalo sa nakaraang May 2016 elections.

Nagsimula aniyang makatanggap siya ng mga kritisismo at alegasyon nang matalo niya si dating Sen. Bongbong Marcos sa pagka-bise presidente.

Sinabi pa ni Robredo na malinaw na kung hindi Marcos ang kanyang nakalaban, ay hindi magiging ganito ito kagulo.

Noong nakaraang Lunes, isang abogado na may kaugnayan kay dating Pangulong Ferdinand Marcos ang naghain ng impeachment complaint laban kay Robredo dahil sa pambabatikos sa kampanya ng kasalukuyang administrasyon kontra sa iligal na droga.

Isa pang grupo na “Impeach Leni Team” ang nakatakdang maghain ng pangalawang impeachment complaint laban kay Robredo kapag bumalik ang sesyon sa Mayo.

Matatandaang matapos matalo ni Marcos sa nakaraang eleksyon, naghain ito ng election protest laban kay Robredo dahil sa umano’y massive vote buying at pagpapalit ng script sa transparency server na nagpabago umano sa naging resulta ng botohan sa bise presidente.

Read more...