Isa sa mga dumukot sa dalawang bihag ng ASG, arestado
Inaresto ng mga otoridad ang isa sa mga suspek sa pagdukot sa dalawang pinakahuling biktima ng Abu Sayyaf Group.
Ayon kay Col. Juvy Max Uy, Basilan Task Force Commander, sugatan ang suspek matapos itong manlaban.
Narekober naman sa bayan ng Muhammad Adjul ang tatlong speedboat na pinaniniwalaang ginamit ng bandidong grupo sa pagdukot sa mga biktima.
Binihag ng ASG sina Captain Aurelio Agcac at Chief Engineer Laurencio Tan ng Panamanian-flagged MV Shuttle Roro 9.
Naglalayag mula Basilan patungong General Santos City nang tangayin ang dalawa sa Subago Island kahapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.