Ito ang palagay ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. sapagkat aniya, “fighter” at “winnable” si Sen. Cayetano.
Nilinaw naman ni Belmonte na bagaman ito ang kaniyang paniwala, kay Roxas pa rin manggagaling ang huling desisyon. Dagdag pa pa ni Belmonte maganda pa rin aniya na ipagpatuloy pa rin ni Roxas ang panliligaw kay Poe para maging ka-tandem niya sa susunod na halalan dahil malayo pa naman ang pasahan ng certificate of candidacy.
Para naman kay Roxas, bilang respeto sa senadora ay hindi siya magbibigay ng alok sa iba hangga’t hindi naisasara ng maayos ang mga pag-uusap sa pagitan nila ni Poe.
Ito rin aniya ay pagpapakita ng kaniyang sinseridad sa kanyang imbitasyon kay Poe na tahakin ang daang matuwid.
Samantala, itinanggi naman ni Cayetano na may usapan na sa pagitan nila at ng kampo ni Roxas para kumandidato siyang pangalawang pangulo.
Wala pa rin aniyang napipiling kandidato sa pagkapangulo na susuportahan ang Nacionalista Party, ang partidong kinabibilangan ni Cayetano./Kathleen Betina Aenlle