Manila Science High School, itinanggi na may naospital na guro dahil sa mercury spill

Manila Science High SchoolNilinaw ng Manila Science High School na may naospital dahil sa mercury spill sa loob ng paaralan.

Bilang patunay, iniharap ng principal ng paaralan ang dalawang guro na una nang napabalita na isinugod sa ospital kasunod ng mercury spill.

Kahapon, sinabi ni Manila Disaster Risk Reduction and Management Office chief Johnny Yu na may nagleak na mercury noong March 11 sa ikalawang palapag ng main building ng Manila Science High School.

Pero noon lamang nakaraang Martes, March 21, ipinagbigay sa kanila at sa Department of Health ang naturang insidente matapos magkasakit ang isang guro.

Nabatid pa na na-admit sa Philippine General Hospital ang nasabing guro.

Dahil sa mercury spill, dalawang linggong isinailalim sa lockdown ang paaralan.

Ayon sa ulat, naglilinis ang dalawang estudyante at dalawang guro sa school laboratory nang aksidenteng matapon ang apat na vials ng mercury at isang container na may tatlong hindi mabatid na radioactive materials.

Nagsagawa ang DOH ng inspeksyon sa nasabing paaralan at nadiskubre na umabot sa 3,758 nanograms per cubic meter ang mercury level sa lugar.

Aabot naman sa 500 estudyante na nakapuwesto malapit sa apektadong storage room ang sinuri kasunod ng mercury spill.

Nagpadala na ang Manila City government ng firetruck mula sa Bureau of Fire Protection para sa paglilinis ng paaralan at nakipag-ugnayan na sa Department of Environment and Natural Resources para sa wastong pagtatapon ng kemikal.

Read more...