DOH, sinimulan na ang pagsusuri sa mga presong positibo sa HIV sa Quezon City Jail
Pinasimulan na ng Department of Health ang pagsusuri sa mga bilanggo laban sa human immunodeficiency virus o HIV.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Ubial, ang mga inmate sa Quezon City Jail na natuklasang nagpositibo sa HIV ay bahagi pa lamang ng bilang ng mga preso na dinapuan ng naturang sakit.
Sinabi ng kalihim na malalaman nila kung ilan ang inmates na may HIV sa sandaling matapos na ang isinasagawa nilang pagsusuri bago matapos ang buwan ng Marso.
Nauna nang sinabi ni Supt. Randel Latoza, jailwarden ng Quezon City Jail na hindi nila maihiwalay ang HIV-positive inmates mula sa iba pang detainees dahil bawal ibunyag ang kanilang pagkakakilanlan.
Napilitan na lamang aniya silang mamigay ng condom sa mga inmates, lalo na’t marami sa mga detainee ang nasasangkot sa male-to-male sex, at madaling magkahawahan ng sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.