Mahigit 250 African migrants, pinangangambahang nalunod sa Meditteranean Sea
Aabot sa mahigit dalawang daan at limampung African migrants ang pinangangambahang nalunod sa Mediterranean Sea matapos matagpuan ang limang bangkay malapit sa dalawang lumubog na rubber boats.
Naalarma ang United Nations refugee agency sa natagpuang mga bangkay malapit sa mga tumaob na rubber boats sa bahagi ng Libyan coast.
Ayon kay Proactiva spokeswoman Laura Lanuza, malaki ang posibilidad na ang naturang mga rubber boats ay puno ng mga migrants.
Dagdag ni Lanuza, ang naturang mga rubber boats ay karaniwang umaabot sa 120-140 ang naisasakay ng migrants bawat isa.
Tinatayang nasa pagitan aniya ng 16 hanggang 25 ang edad ng mga bangkay ng African migrants na natagpuan.
Sinabi naman ni Vincent Cochetel, director ng UN refugee agency Europe bureau na nagtungo na sa lugar ang ilang NGO boats para tumulong sa search and rescue operations.
Dahil sa pangambang marami ang nasawi, tinawag ng Proactiva ang pangyayari na “Black day in the Mediterranean”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.