Sa nalalapit na pagtatapos ng school year 2016-2017, sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang pagpa-plano para naman sa pagbubukas ng klase sa darating na Hunyo.
Naglabas ang DepEd ng isang memorandum noong March 17 para sa paglulunsad ng kanilang 2017 Oplan Balik Eskwela.
Bukod dito, nakasaad din sa naturang memorandum na bubuo ang ahensya ng public assistance stations para sa school year 2017-2018.
Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, magsisimula ang Oplan Balik Eskwela sa May 29 hanggang June 16 para matiyak na magiging maayos at payapa ang pagbubukas ng klase.
Ipinaliwanag din ng kalihim na layunin ng itatayo nilang public assistance stations na matugunan ang mga karaniwang problema na kinakaharap tuwing nagsisimula school year.
Layunin din aniya ng kampanya ng DepEd na tiyakin na ang lahat ng mga estudyante ay maayos na makakapag-enroll at makadadalo sa mga paaralan sa unang araw pa lamang ng klase.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.