Inako ng Islamic State ang responsibilidad ng pag-atake sa British parliament kahapon.
Sa pamamagitan ng Aamaq News Agency, sinabi ng ISIS na isang sundalo ng Islamic State ang nagsagawa ng pagsalakay bilang tugon sa panawagan na targetin ang mga bansang lumalaban kontra Syria at Iraq.
Natukoy na rin ang pagkakakilanlan ng suspek sa pagsagasa at pananaksak sa Westminster bridge at British parliament.
Ito ay nakilala sa pangalang Khalid Masood, isang 52-anyos na British national na may mga naunang criminal conviction ngunit hindi kabilang sa mga binabantayan bilang isang terror threat sa naturang bansa.
Walo naman sa sinasabing sangkot rin sa naturang pag-atake na tumulong sa suspek ang inaresto ng mga pulis sa London at Birmingham.
Samantala, nagpahatid na rin ng pagsuporta at pakikidalamhati ang maraming bansa sa nangyari sa London.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.