Lalake inaresto sa tangkang pananagasa sa mga tao sa Belgium

By Jay Dones March 24, 2017 - 04:20 AM

 

antwerp-attack2Matapos ang pananagasa at tangkang pagsalakay ng isang lalake sa British parliament sa London na ikinamatay ng lima katao kabilang na ang salarin kahapon, isa na namang tangkang pag-atake ang naganap sa Belgium.

Inaresto ng Belgian police ang hindi pa kinilalang suspek na nakasuot ng camouflage na damit at sinasabing may North African origin matapos nitong tangkaing araruhin ang mga pedestrian sa labas ng isang shopping area sa port city ng Antwerp.

Ayon sa Antwerp police, tinangka ng suspek na sagasaan ang mga tao sa Meir shopping street gamit ang isang used car na nakarehistro mula sa France.

Gayunman, nagawang makaiwas ng mga naglalakad at namamasyal at maagap na naaresto ng mga pulis ang suspek.

Nakadiskubre naman ang mga otoridad ng patalim at shotgun sa loob ng sasakyang minaneho ng 39-anyos na suspek.

Kahapon, lima ang nasawi samantalang higit tatlompu katao ang nasugatan nang araruhin ng isang lalake ang mga turista sa Westminster bridge bago nanaksak sa compound ng British parliament.

Kahapon rin ang isang taong anibersaryo ng pambobomba sa Zaventem airport sa Brussels, Belgium na ikinasawi ng 32 katao at ikinasugat ng higit 300 iba pa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.