Itinaas ng Department of Foreign Affairs ang alert level 1 o “precautionary phase” sa Thailand kasunod ng nangyaring pagsabog na yumanig sa Bangkok.
Ang alert level 1 ay inilalabas para alertuhin ang mga Pilipino na mag-ingat tuwing may mga internal disturbance, instability at external threat sa bansang kanilang tinitirhan.
Inabisuhan ng DFA ang mga Pilipino na iwasang pumunta sa mga sumusunod na lugar ayon na rin sa mga Thai police:
-Rajaprasong intersection
-Patumwan intersection
-Silom road
-Khao San road
-Narathiwat intersection
-Victory monument
-Tuk Chai intersection
-Benjasiri Park
-Soi Thong Lor
-Sukhumvit Road
Handa namang magbigay ng tulong ang Philippine Embassy sa tinatayang 15,000 na Pinoy sa Thailand.
Nitong isang araw ay niyanig ng bomba ang Central Bangkok na ikinamatay ng 22 katao./Kathleen Betina Aenlle
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.