Ayon kay Trillanes, naghuhugas-kamay lamang ang pangulo sa naturang isyu.
Tahasan din na sinabi ng senador na gimik lang ang ginagawa ni Duterte at niloloko lamang ang mga Pilipino dahil patuloy pa rin naman ang paghahain ni House Speaker Pantaleon Alvarez ng impeachment complaint laban kay Robredo.
Sinabi pa ni Trillanes na ‘doble-kara’ si Pangulong Duterte.
Sa pagdating ni Duterte sa bansa mula sa Myanmar at Thailand, agad niyang sinabihan ang kanyang kaalyado na itigil na ang pagpapa-impeach kay Robredo.
Pero sa kabila nito, hindi natinag si Alvarez na nagpahayag na itutuloy pa rin ang planong pagpapa-impeach sa bise presidente.