Manila Science High School mananatiling sarado dahil sa mercury spill

Manila Science High School
Inquirer photo

Hindi lamang dalawang kutsara, kundi apat na vials ng mercury ang tumapon sa stockroom ng laboratoryo ng Manila Science High School.

Ayon kay Johnny Yu, pinuno ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, bukod sa mercury ay meron pang tatlong hindi matukoy na radioactive materials na nakasulat sa Chinese character at nakalagay sa malaking garapon ang tumapon.

Katunayan, halos dalawang linggo na umanong nagpapatupad ng lockdown ang eskwelahan.

Ang limang mga pasyente na na-expose sa mercury ay kinilalang sina Judith Abarates, Marietes Francisco, Ferdinand Bautista, Gabrielle Cryshael Reyes at Maryann Cortez.

Mula sa lima, may isang guro na naka-confine sa Philippine General Hospital dahil naapektuhan ng mataas na content ng mercury.

Ang apat na iba pang pasyente ay ginamot naman on-site o matapos ang mismong pagkakalantad sa nakamamatay na kemikal.

Sinabi pa ni Yu na bumuo na ang lokal na pamahalaan ng inter-agency task force na binubuo ng DOH, BFP, Manila CDRRMC, Manila Health Department at DENR.

Ang DENR na ang mangangasiwa sa tamang pagtatapon ng kemikal na inilagay na sa loob ng selyadong basurahan.

Ang paglilinis at pagtiyak na ligtas na sa kontaminasyon ang eskwelahan ay pangangasiwaan din ng DENR.

Read more...