Road rage suspek na si David Lim Jr. pinayagang magpiyansa
Pinayagang mag-piyansa ng Cebu City Prosecutors’ Office ang suspek sa pamamaril na si David Lim Jr.
Mula sa orihinal na kasong frustrated murder ay ibinaba ni Assistant Prosecutor Ma. Theresa Casiño sa kasong frustrated homicide ang kasong kinakaharap ni Lim na nagmula sa isa sa pinakamayamang pamilya sa lalawigan ng Cebu.
Sa kanyang paliwanag ay sinabi ni Casiño na bigo ang mga tauhan ng Cebu City PNP na patunayan na nagkaroon ng pa-traydor na pag-atake sa biktimang si Ephraim Nuñal na binarily ni Lim ng dalawang beses sa hita dahil sa simpleng away sa trapiko.
Inaprubahan ni Cebu City Prosecutor Liceria Lofranco-Rabillas ang pag-downgrade ng kaso.
Si Lim ay nagbayad ng P120,000 para sa kasong frustrated homicide at P24,000 para sa illegal possession of ammunition.
Sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Orlando Salatandre Jr. ay nakiusap ang pamilya Lim na tigilan na ang pagbatikos sa suspek ng mga netizen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.