Trillanes binantaan ni Duterte na papatayin

By Chona Yu March 23, 2017 - 02:58 PM

duterte-trillanes1
Inquirer file photo

Kung may panahon lamang, papatayin ni pangulong Rodrigo Duterte si Senador Antonio Trillanes IV.

Si Trillanes ang isa sa mga mahigpit na kritiko ni Duterte.

Ibinunyag ni Trillanes na mayroon umanong tagong yaman si Duterte na aabot sa P200 Million subalit pinabulaanan na ito ng pangulo.

Sa talumpati kagabi ni Pangulong Duterte sa Filipino community sa Bangkok, Thailand ay kanyang sinabi na panay ang pangingikil ni Trillanes sa mga negosyante.

Katunayan ayon sa pangulo, natatakot na umano ang mga malalaking negosyante sa bansa dahil sa pangingikil ni Trillanes.

Wala naman aniyang ginawa si Trillanes kundi ang magrebelde lamang.

Muling sinariwa ng pangulo ang dalawang beses na pag- aaklas ni Trillanes sa pamahalaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kung saan kinubkob nila Manila Peninsula Hotel at Oakwood Hotel sa Makati City subalit agad namang sumuko nang dumating na ang mga pulis.

TAGS: duterte, millions, thailand, trillanes, duterte, millions, thailand, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.