Ilang mga senador, tutol din sa impeachment laban kay Robredo

By Kabie Aenlle March 23, 2017 - 12:28 PM

robredoTinawag ni Senate President Koko Pimentel na “divisive and time consuming” ang pagpapa-impeach kay Vice President Leni Robredo.

Una nang dinepensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Robredo kaugnay ng impeachment sa kaniya, dahil iginiit niya na ginagamit lamang ng pangalawang pangulo ang kaniyang freedom of speech sa tuwing binabatikos nito ang drug war ng pamahalaan.

Sumasang-ayon si Pimentel sa pananaw ng pangulo, at aniya, inilalayo lamang ng hakbang na ito ang kanilang atensyon sa mas mahahalagang trabaho na dapat nilang gawin.

Hindi rin aniya dapat basta-basta ang paghahain ng impeachment complaint laban sa isang opisyal, at dapat aniya itong ituring na huling baraha laban sa mga tiwaling matataas na opisyal.

Kailangan din aniyang matindi at seryoso ang mga dahilan para maghain ng impeachment complaint.

Gayundin ang pananaw nina Senators Joel Villanueva at JV Ejercito kaugnay sa impeachment laban kay Robredo.

Ayon kay Villanueva, nalulugod siyang naglabas na ng pahayag ang pangulo kaugnay sa nasabing isyu, at tulad ni Duterte, sinabi ng senador na inilalabas lang ni Robredo ang kaniyang opinyon tungkol sa mga isyu sa bansa ngayon.

Para naman kay Ejercito, ipinakita lang ni Duterte sa kaniyang pahayag na isa siyang statesman at na nirerespeto niya ang mandatong ibinigay ng publiko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.