Duterte nag-sorry sa mga taong nasa likod ng Mighty Corp.

duterteheartHumingi ng pasensya ang Pangulong Rodrigo Duterte sa taong nasa likod ng Mighty Corporation.

Ito ay matapos sampahan kahapon ng bureau of internal revenue ng 9.5 billion pesos na tax evasion case sa Department of Justice (DOJ) ang may-ari ng kompanya ng sigarilyo dahil sa paggamit ng pekeng stamps.

Ayon sa pangulo, kung siya lang ang masusunod, magpapa-areglo na lamang siya sa may-ari ng mighty Corp. na si Alex Wongchuking ng P3 bilyon para sa pagpapatayo ng ospital sa Jolo sa Sulu, sa Basilan, maging ang pagpapaayos sa Mary Johnston Hospital sa Tondo, Maynila.

Pero ayon sa pangulo, na-overrule umano ang kaniyang desisyon ni Finance Secretary Carlos Dominguez.

Ayon sa pangulo mistah rin niya umano ang Mighty Corporation President na si Edilberto Adan sa Philippine Military class 1967.

Una rito sinabi ng pangulo na noong mayor pa lamang siya ng Davao, binigyan siya ni Wongchuking ng bultong pera subalit ibinalik din niya ito.

Noong nakaraang Pasko naman aniya muli siyang niregaluhan ng negosyante ng mamahaling baril na Nighthawk 4,5 subalit ibinalik din niya ito.

Read more...