Pangulong Duterte, dumalaw sa burol ng yumaong dating Sen. Leticia Ramos-Shahani

By Cyrille Cupino March 23, 2017 - 09:39 AM

inquirer.net file photo
inquirer.net file photo

Dumiretso si Pangulong Rodrigo Duterte sa Funeraria Paz sa Sucat, Parañaque mula sa kanyang apat na araw na biyahe sa Thailand at Myanmar.

Kasama ng Pangulo sina Communications Sec. Martin Andanar, National Security Adviser Hermogenes Esperon at Special Assistant to the Pres. Sec. Bong Go, Presidential Chief Legal Counsel Sec. Salvador Panelo, at Defense Sec Delfin Lorenzana.

Sinalubong si Pang. Duterte ni dating Pang. Fidel V. Ramos, na kapatid ng yumaong Senadora at ng iba pang miyembro ng kanilang pamilya.

Ipinakita rin ni FVR kay Pang. Duterte ang video presentation na nagpapakita ng mga litrato at mga pinaka-huling interview sa pumanaw na Senadora.

Mamayang alas-dos ng hapon, nakatakdang isagawa ang Necrological services ng Senado para sa yumaong mambabatas.

Sa darating na Lunes naman, March 27 nakatakdang ilibing si Ramos-Shahani sa Manila Memorial ganap na alas-diyes ng umaga.

Pumanaw ang dating Ambassador at Senadora noong Lunes, March 20 sa edad na 87.

Tumagal lamang ng mahigit 20 minuto ang pagdalaw ng Pangulo sa burol ng dating Senadora.

Pero bago tuluyang umuwi ang Pangulo, dumaan muna siya sa isa pang naka-burol dito sa Funerarya Paz na si Conchita Lobrin.

Nagulat ang pamilya Lobrin nang paunalakan ng Pangulo ang kanilang imbitasyon na sumilip muna sa kanilang Chapel.

Ilang mga bisita rin ang pinayagan ng Pangulo na makapagpa-‘selfie’ sa kanya kahit labag ito sa protocol.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.