Martial law, solusyon sa maraming problema ng bansa – Duterte

duterteMuling nagpahiwatig si Pangulong Rodrigo Duterte ng kagustuhan na mag-deklara ng martial law.

Humarap si Duterte sa media pagdating niya sa bansa mula sa kaniyang mga official trips sa Myanmar at Thailand.

Ayon sa pangulo kung magdedeklara siya ng martial law, masosolusyunan niya ang lahat ng mga problema sa bansa, at hindi lang ang problema sa iligal na droga.

Aniya pa, sakaling mangyari ito ay magtatayo siya ng mga military courts kung saan lilitisin ng mga militar ang mga terorista sa Mindanao, at hahayaan niya ang mga ito na ibigti ang mga ito.

Matatandaang ilang beses nang nagpahiwatig si Pangulong Duterte ng pagdedeklara ng martial law dahil sa gulo sa Mindanao dulot ng mga teroristang grupo tulad ng Abu Sayyaf group.

Gayunman, nilinaw din ni Duterte at ng kaniyang mga kalihim na walang balak ang pangulo na gawin ito.

Read more...