Same-sex couples, hindi kinokondena ni Pangulong Duterte
Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya kinokondena ang mga same-sex couples, sa kabila ng hindi niya pagsang-ayon sa same-sex marriage.
Ayon sa pangulo, gusto niyang gawin ng mga tao kung ano ang makakapagpasaya sa kanila dahil isang beses lang naman aniya nabubuhay ang isang tao.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na lalabagin niya ang batas kung papayagan niya ang same-sex marriage dahil nakasaad sa Family Code na lalaki at babae lamang ang maaring mapakasal.
Gayunman, hinihikayat niya ngayon ang mga miyembro ng LGBT community na ipagpatuloy lang ang kung anuman ang sa tingin nilang makakapagpaligaya sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.