Residential Area sa Sampaloc, Maynila, nasunog

Kuha ni Cyrille Cupino
Kuha ni Cyrille Cupino

Fire under control na ang sunog na sumiklab sa Algerias St., Sampaloc, Maynila.

Eksakto alas-6:17 ng umaga nang ideklara ng Bureau of Fire Protection na kontrolado na ang apoy na tumupok sa isang residential area.

Nagsimulang kumalat ang apoy alas-4:29 ng madaling araw sa mga dikit-dikit na kabahayan na pawang gawa sa light materials.

Ayon kay Sr. Insp. Reden Alumno, isang pagsabog mula sa 3rd floor ng bahay ng pamilya Castro nagsimula ang apoy.

Tatlo naman ang sugatan sa sunog kabilang na ang isang residente na si Analyn Cafe at dalawang fire volunteers na sina Cris Salva at Justin Ramos.

Nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil sa gitna nagsimula ang sunog at hindi makapasok ang mga fire truck dahil sa masisikip na eskenita.

Tinatayang aabot sa mahigit P200,000 ang halagang tinupok ng apoy.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa pinagmulan ng sunog.

Read more...