Dumating na sa bansa si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kanyang official visit sa bansang Thailand at Myanmar.
Dumating ang Pangulo pasado alas-2:00 ng madaling araw, kanina.
Sa kanyang pagdating sa Ninoy Aquino International Airport, binanggit ng pangulo ang mga magagandang kinahinatnan ng kanyang pakikipag-usap sa mga pinuno ng dalawang bansa.
Binanggit rin ng pangulo may ilang mga kasunduan siyang nalagdaan sa kanyang pagbisita sa dalawang bansa na makatutulong sap ag-unald ng ekonomiya ng Pilipinas.
Napag-usapan rin sa kanyang mga pagpupulong ang mga nalalapit na ASEAN meeting kung saan ang Pilipinas ang magsisilbing host.
Sa Thailand aniya, kanyang natalakay ang isyu ng seguridad, terorismo ay problema sa droga at nagkasunod sila na magkaroon ng kooperasyon upang masugpo ito.