UPDATE: 5 kumpirmadong patay sa itinuturing na terror attack sa British parliament
(Update) Lima na ang kumpirmadong patay, habang nasa 40 na ang naitalang sugatan sa pag-araro ng isang kotse na sinundan ng pananaksak ng isang hindi pa nakikilalang lalake sa labas ng British parliament sa London, England.
Naganap ang pananaksak sa loob ng compound ng Westminster parliament kung saan isang alagad ng batas ang nasaksak at tuluyang nasawi.
Una rito, isang hindi pa nakikilalang lalake ang sinasagasaan ang hanay ng mga pedestrians sa Westminster bridge di kalayuan sa parliament.
Pagkatapos nito, pumasok pa umano ang suspek na armado ng patalim sa gusali ng parliament at dito nanghalihaw ng saksak.
Dahil sa insidente, isinailalim sa ‘lockdown’ ang kabuuan ng House of Parliament at maging ang mga katabing mga gusali at institusyon.
Kinumpirma naman ng mga otoridad na kabilang sa limang nasawi ay ang salarin na nabaril ng mga pulis.
Kinilala na rin ng mga otoridad ang pulis na nasawi na si PC Keith Palmer, na 15 taon nang naninilbihan sa pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.