Ito’y bukod pa aniya sa posibilidad na mawala rin ang 27 trade agreements sa pagitan ng Pilipinas at European Union dahil sa mga napapabalitang human rights violations sa bansa.
Kung mawawala aniya ang 27 trade agreement sa EU, maraming mga magsasaka ang lalong maghihirap.
Ang MCC grant naman aniya ay layon sanang maibsan ang kahirapan sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ayon kay Sueno, base sa kanilang research ay kanilang napag-alaman na may banta na hindi ibigay ng US ang naturang grant sa bansa bilang sanction sa diumanoy paglabag sa karapatang pantao ng Duterte administration sa kampanya nito laban sa ilegal na droga.
Giit ng Kalihim, mistulang sinasadya ng ilang grupo na palutangin ang isyu ng umano’y human rights violations sa bansa upang i-pressure lamang ang pangulo.
Pinakahuli rin aniya sa hakbang na ito ay ang pagpapalabas ng video ni Vice President Leni Robredo sa United Nations.