Pamilya Villar, papasok na rin sa industriya ng telecommucations
Papasok na rin sa larangan ng telecommunications ang angkan ng mga Villar.
Ayon kay Manuel Paolo Villar, anak ng ni dating senador at property tycoon na si Manuel Villar Jr., na plano nilang magtaguyod ng fixed-line broadband sa buong bansa sa nalalapit na hinaharap.
Sa unang bahagi ng kanilang plano, balak nito na maglagay muna ng mga high-speed internet sa mga subdivision na itinayo ng kanilang Vista-Land and Lifescapes Inc.
Isang panukala aniya ang naihain na sa Kongreso upang pahintulutan ang Streamtech Systems Technologies Inc., para makapag-operate ng telecom service sa Pilipinas.
Ito aniya ang kanilang makakasama sa naturang proyekto.
Target ng plano na makapagtaguyod ng internet service sa lahat ng mga housing communities sa lahat ng 100 syudad at munisipalidad sa 37 probinsya.
Sa ngayon, kontrolado ng PLDT at Globe Telecom ang telecommunications industry sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.