EXCLUSIVE: 5 menor de edad, ginawang swimming pool ang suplay ng tubig ng kanilang subdivision sa Pandi, Bulacan
Plano lang ng limang magkakaibigan na mag selfie sa itaas ng tangke ng tubig ng Pandi Village 1.
Pero dahil sa matinding init ng panahon, natukso ang limang magkakaibigan na sina Ryan, Chris, Warren, Bruce at Pogi na maligo sa loob mismo ng tangke na naglalaman ng 10,000 cubic meters ng malinis na tubig.
Nadiskubre lang ang kanilang trip nang ang isa sa kanila ay umahon at lumabas ng tangke para umihi.
Ang tubig mula sa tangke ay ginagamit ng mahigit 1,000 pamilya sa kanilang pang araw araw na pangangailangan.
Ipinatawag agad ng mga opisyal ng homeowners association ang mga magulang ng mga bata.
Sinabi naman ni Cora Teneza, presidente ng homeowners association, noong isang araw ay nabalitaan na rin sila na may naligong mga kabataan sa loob ng tangke.
Sinabi pa ni aling Cora na ang talagang balak lang ng mga kabataan ay mag-selfie sa itaas ng tangke.
Unang dumating ang iba pa mga kaibigan ni Warren matapos sunduin ng mga taga-barangay at kasunod na ang kanilang mga nanay na agad silang kinompronta tungkol sa kanilang kakaibang trip.
Samantala, ayon sa mga kinatawan ng Hiyas, ang water distributor ng tubig sa lugar, malaking perwisyo ang ginawa ng mga kabataan at kailangan nilang itapon na rin ang natititarang 10,000 cubic meters ng tubig na nagkakahalaga ng P190,000.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.