Napanatili ng bagyong ‘Ineng’ ang kanyang lakas na huling namataan 625 km sa silangang bahagi ng Calayan, Cagayan at taglay ang lakas ng hangin na 180 kph at may bugsong ng hangin na aabot sa 215 kph.Nasa Signal no. 2 pa rin sa Batanes group of islands at Cagayan kasama na ang Calayan at Babuyan group of islands.
Signal no. 1 naman sa Isabela, Kalinga, Apayao, Abra at Ilocos Norte.
Samantala, thunderstorm pa rin ang nararanasan sa ilang probinsiya sa Mindanao lalo na sa Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Bukidnon, Surigao del Sur, at Lanao del Norte na maaaring tumagal ng dalawang oras.
Nagpapaalala ang PAGASA na manatiling maging alerto at mag-monitor sa posibleng malalakas na hangin, pagkulog at pakidlat at sa biglaang pagbaha sa mga lugar na naapektuhan ng thunderstorm.
Samantala, nasa ‘red alert status’ na ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council bilang paghahanda sa posibleng maging epekto ng bagyong Ineng.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Alexander Pama, naka-standby ang lahat ng kanilang tauhan upang paghandaan ang paparating na bagyo na inaasahang makakapaekto sa extreme Northern Luzon. / Jen Pastrana, Jan Escosio
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.