China, magpapatawag ng meeting sa isyu ng South China Sea code of conduct framework

 

Magpapatawag ng meeting ang China sa mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Sa press briefing sa Bangkok Thailand, sinabi ni Foreign Affairs Acting Secretary Enrique Manalo na ito ay para talakayin ang code of conduct framework kagunay sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Gaganapin aniya ang pagpupulong sa Mayo.

Sa ngayon ayon kay Manalo, tuloy ang pag pupulong ng mga eksperto sa code of conduct framework.

Kapag nakumpleto aniya ang framework, magkakaroon na ng seryosong diskusyon sa mga pangunahing elemento sa code of conduct.

Read more...