BREAKING: British parliament, ‘under lockdown’ dahil sa suspek na armado ng patalim

File photo

Hindi bababa sa sampu katao ang iniulat na nasugatan sa pananaksak umano ng isang hindi pa nakikilalang lalake sa labas ng British parliament  sa London, England.

Sa inisyal na impormasyon, naganap ang pananaksak sa loob ng gusali.

Bago ito, isang lalake umano na lulan ng kotse ang sumagasa sa hanay ng mga tao sa Westminster bridge di kalayuan sa parliament.

Pumasok umano ito sa loob ng gusali at naghalihaw ng saksak sa mga nasa loob.

Isa sa mga pulis ang nasugatan bago ito pinagbabaril ng mga otoridad.

Dahil sa insidente, isinailalim sa ‘lockdown’ ang kabuuan ng House of Parliament.

Itinuturing ng mga otoridad na isang ‘terror attack’ ang insidente.

Read more...