New York Times report kay Duterte, “bayad na artikulo” ayon sa Palasyo
Pinalagan ng Palasyo ng Malacañang ang artikulo ng New York Times na naglalarawan kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Inilarawan ni Presidential Spokesman Ernesto Abella bilang isang “bayad na artikulo” ang inilabas ng New York Times na may titulong ‘Becoming Duterte: The Making of a Philippine strongman’.
Ayon pa kay Abella, malaki ang duda niya na pinondohan ng isang mayamang kliyente ang nasabing artikulo para mailabas sa New York Times.
Posible din aniya na mayroon maitim na motibo kung kaya’t nailathala ang naturang artikulo.
Giit ni Abella, hindi makatarungan ang naturang artikulo na tila nang-iinsulto sa pangulo dahil nagsasaad ito na nakabatay ang pag-angat sa kapangyarihan ni Duterte sa konteksto ng karahasan.
Kasabay nito, idinepensa ni Abella ang pangulo kung saan sinabi nito na dahil sa pamumuno ni Duterte ng matagal na panahon sa Davao City bilang alkalde, kinilala ang lungsod bilang pinakaligtas na siyudad sa buong mundo.
Ipinapakita lamang aniya ng New York Times na hindi sila interesado na alamin ang bung katotohanan at ang kayang lang na gawin ay mam-bully ng mga bansang nagdeklara ng independent foreign policy gaya ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.