Umabot sa 30 katao ang naaresto ng Quezon City Police District sa magkakahiwalay na anti-drug operation o Oplan Double Barrel Alpha ngayong gabi.
Unang sinalakay ng QCPD ang apat na bahay na sinasabing drug den sa Tala Brgy. Bahay Toro kung saan 18 walo ang naaresto kabilang na ang 3 target ng search warrant na pinalabas ng QCRTC.
Habang ang ibang naaresto ay naaktuhang bumibili at gumagamit ng ilegal na droga sa lugar.
Sumunod na sinalakay ng QCPD ang isang bahay sa kanto ng Victory Avenue at Manunggal Street brgy. Tatalon Q.C.
Lima ang naaresto sa nasabing raid kabilang na sina John Mark Takbil na target ng operasyon at 4 na lalaking naaktuhan sa bahay ng suspek.
Ayon kay QCPD Station 11 Commander PSupt. Christian Dela Cruz, nakumpiska sila mula sa suspek ng 6 plastic sachet ng shabu, isang kalibre 45 baril, mga bala, drug paraphernalia.
Nakatakda naman ipresinta kay QCPD District Director Chief Supt. Guillermo Eleazar ang pitong suspek na hawak ng QCPD station 4 na naaresto rin sa isang buy bust operation sa Payatas area.
Ayon kay QCPD station 4 PSupt. Mark Young, nasa 190 gramo ng shabu ang nakuha nila sa mga suspek, na may street value na P600,000.
Nakumpiska rin nila ang 2 cal. 45, isang 9mm at isang 22 cal.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.