Diskarte sa West Philippine Sea dapat ipaubaya kay Duterte ayon kay Cayetano

Duterte-China1Tiniyak ni Senador Alan Peter Cayetano na hindi isusuko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahit na isang square centimeter na terotoryo na pag-aari ng Pilipinas sa China.

Sa press briefing sa Bangkok Thailand, sinabi ni Cayetano, dapat pagtiwalaan lamang ng taong bayan ang pangulo kaugnay sa kung paano nito reresolbihaon ang pinag-aagawang teritoryo gaya sa West Philippine Sea.

Ayon kay Cayetano, maaring hindi lang naiintindihan ng husto ng publiko ang mga pahayag ng pangulo ukol sa nasabing territorial dispute.

Una rito, sinabi ng pangulo na hindi kayang pigilan ng Pilipinas kung magtayo man ng monitoring station ang China sa Panatag Shoal maging ang pagdaan ng mga barko ng China sa Benham Rise.

Read more...