Dating Mayor Hagedorn, kinasuhan sa Sandiganbayan

By Kabie Aenlle March 22, 2017 - 10:18 AM

edward-hagedornSinampahan ng kaso ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan si dating Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn dahil sa umano’y hindi idineklarang yaman.

Kinasuhan ng Ombudsman si Hagedorn ng tig-siyam na counts ng perjury sa ilalim ng Article 183 ng Revised Penal Code, at paglabag sa Section 7 ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act, pati na ng Section 9 ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Inakusahan si Hagedorn ng pagbibigay ng mga false representations sa kaniyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN noong 2004 hanggang 2012.

Hindi umano idineklara ni Hagedorn ang maraming ari-arian at negosyo sa kasagsagan ng kaniyang siyam na taong termino bilang mayor ng lungsod.

Tinatayang aabot sa limampu’t siyam na ari-arian na may kabuuang lawak na 132.57 hectares ang sinasabing hindi idineklara ng dating alkalde.

Hindi rin umano idineklara ng dating mayor ang kaniyang posisyon bilang incorporator, president, board member o stockholder sa mga kumpanyang Palawan Jolly Foods Corporation, Puerto Princesa Broadcasting Corporation, Green Forest Blue Waters Corporation at Hagedorn Travel and Tours Incorporated sa kaniyang 2004 at 2008 na SALN.

Umakyat din umano sa anim ang mga negosyong hindi niya idineklara bago matapos ang kaniyang termino, at mayroon din umano siyang limang sasakyan na hindi niya isinama sa kaniyang 2004 SAL-N.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.