Nakuhanan ng CCTV ang suspek sa Bangkok Bombing na aktuwal na iniiwan ang kanyang bitbit na bag sa lugar na pinangyarihan ng pagsabog sa Erawan Hindu Shrine.
Batay sa pinakahuling ulat, kitang-kita sa footage ang isang lalake na naka-dilaw na t-shirt na dahan-dahang inilalapag ang kanyang backpack sa lugar ng naturang dambana.
Matapos mailapag ang backpack, agad ring umalis ang suspek.
Ayon kay Thai government spokesman Major General Weerachon Sukhontapatipak, kanila nang tinutugis ang suspek at malapit na nila itong makilala at matunton.
Hindi aniya mukhang ‘Thai’ ang suspek at iba rin ang istilo ng pambobomba kung ikukumpara sa mga nakaraang pag-atake ng ilang mga “Thai insurgents”.
Inaalam rin ng ng mga Thai authorities kung magkaugnay ang naunang pambobomba sa Erawan Hindu Shrine at ang isa pang pambobomba sa Sathorn Pier sa Bangkok noong Martes.
Sa ikalawang insidente, bumagsak sa tubig ang bomba kaya’t walang nasaktan./ Jay Dones
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.