Pahayag nina Pangulong Duterte at Australian FM Julie Bishop sa war on drugs hindi magkasalungat ayon sa palasyo

By Chona Yu March 22, 2017 - 04:25 AM

Presidential photo

Walang contradiction sa mga pahayag sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at at Australian Foreign Minister Julie Bishop.

Bago tumulak patungong Myanmar, sinabi ng pangulo na hindi nila napag-usapan ni Bishop ang isyu sa human rights at maging ang extra judicial killings na bunga umano ng pinaigting na kampanya ng administrasyon kontra sa illegal na droga.

Pero sa pahayag ni Bishop, sinabi nito na mahaba ang kanilang naging usapan ni DDuterte sa kampanya sa illegal na droga.

Ipinaabot rin aniya ng Australia ang kanilang pagkabahala sa mga kaso ng EJK sa bansa.

Ayon kay presidential spokesman Ernesto Abella, walang contradiction kundi magkaibang perspektibo lamang umano ang naging pananaw nina Pangulong Duterte at Bishop.

Binigyang diin ni Abella na dahil naging produktibo ang pulong ng dalawa sa maraming issue ay minarapat ng pangulo na hindi nalang banggitin ang issue sa war on drugs o human rights.

Sa kabuuan ayon kay Abella, naging positibo ang pag-uusap ng dalawa at nagkasundo na paigtingin pa ang ugnayan ng Pilipinas at Australia.

“There was no contradiction between the Australian official and the Philippine president, just a difference in perspective. Since they had a productive dialogue which emphasized possible areas of constructive cooperation on the war against illegal drugs.” Dagdag ni Abella.

Matatandaang noong nakaraang linggo lamang, nag-courtesy call si Bishop sa pangulo sa Panacan, Davao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.