Pangilinan nagpatutsada na hindi tuta sa Senado ang mga LP members

By Den Macaranas March 21, 2017 - 05:19 PM

Kiko Pangilinan
Inquirer file photo

Pumalag si Sen. Kiko Pangilinan sa ginawang paghamon sa kanila ni Senate President Koko Pimentel na batikusin ang mga nagsusulong impeachment case laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ay sinabi ni Pangilinan na siya ring pangulo ng Liberal Party na hindi sila dapat diktahan ng liderato ng Senado.

Binigyang-diin rin ni Pangilinan na hindi sila parang mga tuta na sunud-sunuran sa gusto ng Malacañang.

Nauna dito ay sinabi ni Pimentel na malinaw na ang oposisyon sa Senado ay kabilang sa mga nagpa-plano para mapatalsik sa pwesto si Duterte.

Kung dati ay nakinabang ang mga LP senators sa pamamagitan ng kanilang pagsama sa supermajority ngayon ay malinaw na bahagi sila ng pagpapabagsak sa administrasyon ayon kay Pimentel.

Kabilang sa mga kumalas sa supermajority makaraan silang hubaran ng mga komite na kanilang pinamumunuan ay sina Minority Leader Franklin Drilon, Senators Leila De Lima, Bam Aquino at Risa Hontiveros.

Nananatili naman sa majority bloc si Sen. Ralph Recto na isa ring miyembro ng LP at siyang kasalukuyang Senatye President Pro Tempore.

TAGS: duterte, impeachment, liberal party, pangilinan, Pimentel, duterte, impeachment, liberal party, pangilinan, Pimentel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.