DSWD namigay ng pagkain sa mga miyembro ng Kadamay sa Pandi, Bulacan

Pandi relief
Photo: Jan Escosio

Sa gitna ng kontrobersiya na kinakaharap ng mga miyembro ng militanteng grupong Kadamay ay nakatanggap sila ng damay mula sa pamahalaan.

Kaninang tanghali ay umaabot na sa 1,200 food stub para sa halos ay 200 pamilya ang ipinamigay ng Department of Social Welfare and Development sa mga residente sa Residence 2, Barangay Mapulang Lupa sa Pandi, Bulacan.

Ang nasabing lugar ay kabilang sa mga housing projects ng pamahalaan sa bayan ng Pandi na inukopahan ng mga miyembro ng Kadamay.

Patuloy na nagmamatigas ang mga miyembro ng naturang militanteng samahan na hindi sila aalis sa nasabing lugar hangga’t walang malinaw na tugon ang pamahalaan sa kanilang problema sa pabahay.

Ang Kadamay ay kabilang sa isang umbrella organization ng mga makakaliwang grupo kung saan ay kabahagi ang Ibon foundation at Makibaka na dating kinaaaniban ni DSWD Sec. Judy Taguiwalo.

Samantala, sinabi naman ng pamunuan ng National Housing Authority na minomonitor na rin nila ang iba pang socialized housing projects ng pamahalaan dahil baka pasukin rin ito ng mga miyembro ng Kadamay tulad din ng kanilang ginawa sa isang proyekto ng NHA sa Montalban, Rizal.

Read more...