Muling maghaharap ang mga kinatawan ng Philippine government at National Democratic Front of the Philippines sa Noordwijk sa Netherlands sa April 2 hanggang 6.
Ito ay para sa panibago at ikaapat na round ng peace talks kung saan si Norwegian Special Envoy to the peace process, Ms. Elisabeth Slåttum ang magsisilbing chairman ng pagpupulong.
Nabatid na naging facilitator na sa peace process ang Norway simula pa noong 2001.
Sa mensahe ni Norwegian Ambassador to the Philippines Erik Forner sa malakanyang, magsisilbing third party ang Norway bilang facilitator sa peace process.
Sentro aniya ang pag uusap sa social at economic reforms pati na ang bilateral ceasefire agreement.
Matatandaang noong Pebrero, pansamantalang itinigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsusulong ng peace talks dahil sa patuloy na pang-aambush ng rebeldeng grupo sa tropa ng militar sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Mahigit sa limampung taon nang umiiral ang pakikibaka ng rebeldeng grupo laban sa pamahalaan.
Sa kanyang panig ay inamin ni Presidential Peace Adviser Jess Dureza na determinado ang administrasyon na tuldukan na ang ilang dekada ng labanan sa pagitan ng pamahalaan at rebeldeng grupo sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.