Pabahay para sa mga pulis at sundalo sa Montalban, Rizal tinangka ring ukupahan ng mga miyembro ng Kadamay

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Matapos silbihan ng eviction notice ang mga miyembro ng Kadamay na umukupa sa pabahay projects sa Pandi,Bulacan ay lumusob naman ang ilang mga miyembro nila sa PNP-AFP housing projects sa Brgy.San Rafael,Montalban, Rizal.

Ayon kay Supt.Hector Grijal,Chief of Police ng Montalban PNP, pasado alas tres madaling araw ng Martes, March 21 nang dumating at magbarikada ang mga miyembro ng Kadamay sa La Soledaridad Housing Projects.

Gayunman nabigo ang grupo na ukupahan ang lugar matapos rumesponde ang Montalban police kasama ang Augmentation force mula sa Pililia, Rizal at Region 4A.

Ayon naman sa OIC ng NHA Montalban, na si Elizabeth Matipo, naiintindihan nila ang sitwasyon ng mga informal settlers tulad ng Kadamay pero ipinaintindi umano nila kay Carlito Badion na ang mga units na sinasabi nilang nakatiwangwang ay may nagmamay-ari nang mga pulis at sundalo.

Ayon naman kay Alice Miranda, isa sa opisyal ng Baque Corporation, ang developer ng Subdibisyon, sa pamamagitan ng kanilang pakikipagnegosasyon sa mga lider ng Kadamay ay humupa ang tensiyon kung saan kusa na lamang nag disperse ang grupo.

Nagdulot naman ng takot sa mga residente ang paglusob ng Kadamay.

Read more...