1,000 trabahador tigil trabaho sa resettlement site sa Pandi, Bulacan

By Jan Escosio March 21, 2017 - 12:51 PM

EVICTION NOTICE NA IDINIKIT NG NHA SA VILLA ELISE, PANDI BULACAN3
Kuha ni Jan Escosio

Nadamay na rin ang hindi bababa sa 1,000 trabahador sa isa sa mga resettlement areas na pinasok ng mga miyembro sa Kadamay sa Pandi,Bulacan.

Sa panayam kay Pablo Santos, karpintero sa Pandi Bayview Residences 2, halos isang buwan na siyang hindi nakakapag-trabaho dahil pinahinto na ng developer ang pagpapatayo ng mga housing units.

Sa ngayon ayon kay Santos ay naghahanap na siya ng bagong mapapasukan para hindi magutom ang kanyang pamilya.

Sinabi pa ni Mang Pablo na maging sa ibang resettlement areas na inokupahan nh kadamay members ay nahinto na rin ang trabaho ng mga manggagawa.

Hindi na rin napigilan ni Mang Pablo na ilabas ang kanyang galit.

Nangangamba pa ito na kapag hindi umalis ang mga kadamay ay tuluyan nang mahihinto ang mga trabaho sa resettlement areas.

TAGS: Bulacan, Kadamay, Pablo Santos, Pandi, Pandi Bayview Residences 2, resettlement site, Bulacan, Kadamay, Pablo Santos, Pandi, Pandi Bayview Residences 2, resettlement site

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.