QC veterinary office, nagbabala sa publiko kaugnay sa pagkalat ng botcha

By Ricky Brozas March 21, 2017 - 10:55 AM

botcha-300x216
Inquirer File Photo

Nagbabala ang City Veterinary Office ng Quezon City sa publiko na mag-ingat sa mga kumakalat na ibenibentang botcha o doble dead na karne ng baboy sa lungsod.

Ang babala ay ginawa ni City Veterinarian Dra.Anna Marie Cabel matapos makumpiska noong Lunes, March 20 ang mahigit 70 kilo ng baboy na sinasabing walang tatak ng National Meat Inspection Service sa Brgy. Sto. Domingo QC.

Payo niya sa publiko, bago bumili ng karne ay pisilin muna ang karne,hanapin ang tatak ng NMIS, dapat kulay pink ang karne at higit sa lahat walang amoy.

Modus daw kasi ng mga tindera ay binubuhusan ng sariwang dugo para mukhang bago ang kanilang tinitindang karne.

Paliwanag ni Dra. Cabel, ang baboy ay gaya din ng tao na mamatay sa sobrang init ng panahon at ang ibang tindera ay inihahalo ang bucha sa sariwang karne at kapag naluto na ay dito malalaman kung botcha o sariwang karne ng baboy ang kanilang nabili.

TAGS: botcha, double dead, NMIS, pamilihan, publiko, QC veterinary office, botcha, double dead, NMIS, pamilihan, publiko, QC veterinary office

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.