Nakatakdang iprisenta Martes,March 21 ng umaga ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang sinasabing nagkakanlong sa miyembro ng Maute Group sa Culiat, Quezon City
Ito ay ayon na rin kay Quezon City Police District Dir. PCSupt. Guillermo Eleazar matapos na maghain ng arrest warrant sa isang bahay sa Salaam Compound Brgy. Culiat Q.C., na pinaniniwalaang pinagtataguan ng ilang miyembro ng Maute Group.
Kabilang sa naaresto si Nasip Sarip 35 yrs old na may-ari ng Nashilam Store sa loob ng Salaam Compound, habang hindi naman naabutan ang target ng search warrant na pinaniniwalaan terorista na si Jamil Baja Tamil.
Ayon kay PCSupt. Eleazar, ang grupo ni Sarip ay nasasangkot sa pambomba sa Longos Leyte noong December 28, 2016 at pagtatanim ng bomba sa US Embassy noong November 28, 2016.
Kakakumpiska naman ang QCPD sa bahay ng hinihinalang mga terorista ng isang 60 mm mortar na may c4, 1 sub-machine pistol, 2 cal, 45, mga bala at 7 sachet ng hinihinalang shabu.
WATCH: