DLSU nakaganti sa UP sa 2nd round ng UAAP 79 womens volleyball

 

Mula sa Inquirer.net/contributed photo

Isang buwan matapos ang nakapanlulumong pagkatalo sa University of the Philippines sa loob lamang ng tatlong set sa first round, mistulang nakaganti ang defending champion Dela Salle University sa UAAP season 79 womens volleyball tournament.

Ito’y matapos nilang matalo sa tatlo ring set ang kalabang UP sa score na 27-25, 25-11 at 25-17.

Ayon kay La Salle captain Kim Fajardo, nagsilbing motivation sa kanila ang naunang pagkatalo sa first round kaya’t naging masidhi ang kanilang hangarin na manalo sa pagkakataong ito.

Makikita aniya sa lahat ng mga players ang matinding pagnanais na huwag nang maulit ang naunang masaklap na karanasan sa kamay ng UP.

Read more...