VP Robredo nanindigan na hindi siya magso-sorry sa administrasyong Duterte

By Alvin Barcelona March 20, 2017 - 07:15 PM

Leni Robredo11Walang nakikitang dahilan ang Office of the Vice President para humingi ng paumanhin sa publiko si Vice President Leni Robredo.

Sinabi ito ni Georgina Hernandez- tagapagsalita ni Robredo sa hirit ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) dahil sa mensahe ni Robredo sa U.N Commission on Narcotic Drugs.

Ayon kay Hernandez, ang totoo, ang ginawa ng pangalawang pangulo ay binigyan nito ng boses ang mga ordinaryong mga pamilyang Pilipino na walang malapitan at natatakot sa kanilang buhay.

Dagdag ni Hernandez, binigyan lamang aniya ng Pangalawang Pangulo ng lakas ng loob ang mga pamilyang nawawalan ng loob at hindi alam kung makakakuha sila ng hustisya sa mga nangyayari sa kanilang buhay.

Iginiit ni Hernandez na bahagi ito  ng mandato ng Bise Presidente na ilabas ang katotohanan at ipakita sa mga tao na natatakot na sila at may masasandalan sila kay VP Leni.

Nauna rito,  sinabi ni Vice President Robredo na ang kanyang mensahe para sa UN Commission on Narcotic Drugs ay hindi na bago at ang mga inilahad niya dito at nailathala na ng ibang grupo.

Kanina ay inilabas ng tanggapan ni Robredo ang kopya ng isang sulat kung saan kanilang sinabi na humingi sila ng kopya ng ilang ulat mula sa PNP kaugnay sa tunay na estado ng anti-drug operations sa bansa.

Hindi umano totoo na dumiretso sila sa U.N nang hindi nakikipag-ugnayan sa mga lokal na law enforcement agencies sa bansa.

TAGS: duterte, impeachment, Leni Robredo, vice president, duterte, impeachment, Leni Robredo, vice president

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.