Mga pulis na kinasuhan sa pagpatay kay Mayor Espinosa mananatili muna sa CIDG
Isinasailalim na sa booking procedure ang labingsiyam na pulis na isinasangkot sa pagpatay kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.
Ayon kay PNP Region 8 Regional Director C/Supt. Elmer Beltejar ito ay matapos na magpalabas ng warrant of arrest ang Baybay Leyte Regional Trial Court Branch 15 dahil sa kasong murder laban sa mga pulis.
Kusang loob umano na sumuko ang labingsiyam na mga pulis sa tanggapan ng sa PNP CIDG Region 8 sa Palo, Leyte
Kabilang sa labingsiyam na pulis ay sina Supt Marvin Marcos na siyang dating CIDG Region 8 Director, Supt. Santi Noel Matira, C/Insp. Leo Laraga, SPO4 Melvin Cayobit, PO3 Johnny Ibañez, PCInsp Calixto Canillas Jr., SPO4 Juanito Duarte, PO1 Lloyd Ortigueza, at S/Insp. Fritz Blanco.
Ayon kay Beltejar, kapag natapos na sa booking procedure o ang pagsasagawa ng fingerprinting, documentation, mugshot at medical examination ang 19 na pulis ay ibabalik na agad sa korte ang warrant of arrest at maghihintay sila para sa ilalabas na commitment order ng korte upang matukoy kung saang ikukulong ang mga akusadong pulis.
Nauna nang sinabi ng naturang mga pulis na isang lehitimong operasyon at hindi rubout ang dahilan ng kamatayan ni Espinosa sa loob ng Baybay City sub-Provincial Jail.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.