Nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na ipadala si Magdalo Partylisty Representative Gary Alejano bilang unang batch ng mga Pinoy na gustong angkinin ang mga isla sa Spratly’s at makipaglaban sa China.
Tugon ito ng pangulo sa pahayag ni Alejano na maghahain siya ng supplemental complaint sa impeachment dahil sa pagpayag umano ng pangulo na hayaan ang mga Chinese na pumasok sa Benham Rise.
Sa ambush interview sa pangulo sa Myanmar, sinabi nito na nagtatapang-tapangan lamang umano si Alejano at ang grupong Magdalo subalit duwag naman.
Halimbawa na lamang nang magsagawa ng mutiny sina Alejano kasama si Senador Antonio Trillanes IV sa Oakwood Hotel sa Makati City subalit agad din namang sumukor sa mga pulis.
Bwelta ng pangulo, walang karapatan si Alejano na magsalita ukol sa katapangan dahil puro kahihiyan lang ang naipakita nito sa taong-bayan.
Katunayan ayon sa pangulo, napunta lamamng sa bunganga ni Alejano ang kanyang pribadong ari nang magdatingan na ang mga pulis sa Oakwood.
Nakadidismaya ayon sa pangulo dahil ginastusan ng gobyerno ang pag-aaral ni Alejano subalit nag-aklas pa ito sa gobyerno.
Si Alejano ay nagtapos sa Philippine Military Academy at kauna-unahang naghain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte.