Impeachment charges hindi pa napapanahon ayon sa isang kongresista

By Isa Avendaño-Umali March 20, 2017 - 03:57 PM

Leni-digong
Inquirer file photo

Pinasasantabi ni Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe Kay Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano ang impeachment complaint laban kay Presidente Rodrgo Duterte, sabay pakiusap din kay House Speaker Pantaleon Alvarez na huwag nang ituloy ang pagpapa-impeach kay Vice President Leni Robredo.

Giit ni Batocabe, ni-wala pang isang taon sa pwesto ang mga kasalukuyang halal na opisyal at kung tutuusin ay mas mainam na nagkakaisa ang pangulo at ikalawang pangulo.

Pakiusap din ng kongresista sa kampo nina Duterte at Robredo, huwag masyadong balat-sibuyas sa mga kritisismo bagkus ay hayaang magkaroon ng debate, patutsadahan at mga akusasyon nang hindi kailangang mauwi sa impeachment.

Kasabay nito, sinabi ni Batocabe na dapat may moratorium sa impeachment dahil gulo lamang ang dulot nito sa buong bansa.

Katwiran ng kongresista, ang anumang impeachment proceeding ay hindi lamang ordinaryong prosesong politikal kundi highly divisive na lalong nagpapalala ng away-pulitika.

Umapela rin si Batocabe sa Kongreso na mag-ingat sa proseso ng impeachment dahil kung hindi ito magagawa ng maayos ang ay ikasisira ito ng mga institusyon ng gobyerno.

Dagdag nito, hindi dapat pinag-i-eksperimentuhan ang impeachment dahil masyadong mabigat ang implikasyon nito.

TAGS: batocabe, duterte, impeachment, Robredo, batocabe, duterte, impeachment, Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.